Miyerkules, Hulyo 7, 2010

Pagbabalik Loob

        

        Nawalan ako ng tiwala sa Diyos noong mga panahon na nagkatambak tambak ang aking problema sa buhay. Nagtampo ako sa Diyos dahil bakit ako pa ang binibigyan nya ng mga problemang parang mga walang solusyon. Dahil sa mga problemang aking hinaharap.
       
        Dito nagsimulang mapariwara ang aking buhay. Naging pasaway ako sa skwela. Nakilala din ako dahil sa mga kalokohang ginagawa ko. Naging suki din ako ng guidance dahil sa iba't ibang kalokohang ginagawa ko. Hanggang dumating sa parting ako na lang magisa. Walang gustong lumapit baka mapagtripan ko.

Isang araw nakakita akong ng pamilya ng mga taong grasa na masayang naghahanap ng pagkain sa basurahan. Napagisip isip ko na hindi pa rin pala ako pinapabayaan ng Diyos. Sila nga kahit mahirap at hindi alam kung makakakita ng pagkain nagagawa pang magsaya.

Napakaswerte ko nga dahil pinagaral ako sa magandang paaralan, hindi ko naranasang pumalya ng kain, nakukuha ko yung ibang gusto kong gamit. Hindi sapat na dahilan ang aking problema para mawala ang pananampalataya ko sa Diyos. Ako'y nagbalik loob ulit at inayos ang aking buhay. Onti onti naging maayos ang aking buhay.

10 komento:

  1. till now nman puro kalokohan ka paren aa.. :))

    TumugonBurahin
  2. WOW, its nice to read your blog. ganda ng nilalaman. kaya mu yan, believe in your self. walang kwenta ang buhay kung walang problem. naks, sana ung akin malampasan ko din.!jeje continue believing basta si God nanjan sa heart mo. nothing is impossible.

    TumugonBurahin
  3. nagbago na nga di pa nilubos-lubos. kadalasan tamad pa rin. peace

    TumugonBurahin
  4. ahahaha. inaaway kah nila :))
    wellwell. gandaaa :D

    TumugonBurahin
  5. Di ka pinapabayaan ni Lord. He just want you to become disciplined through hardships. Spread the faith! =)

    TumugonBurahin
  6. don't lose hope..always have faith in God..plgi lng sya jan...di ka pababayaan ni bro;)

    TumugonBurahin
  7. ang ganda sobra ang galing po ninyo

    TumugonBurahin