Ito'y nagsimulang mangyari noong nakaraang taon lamang. Hindi ko kilala kung sino itong babae na laging nasa aking panaginip. hindi ko alam kung may gusto ba siyang iparating sa akin o ito'y gawa gwa lang nang aking isipan. Minsan nga habang ako'y nanaginip bigla ko na lamang nakita ang babaeng iyon. Nakasuot ng mahabang damit na may mga burda ng bulaklak. ang kanyang mukha ay namumutla. Medyo may kahabaan ang kanyang buhok. ang kanyang tangkad ay tama lamang para sa isang babae. tinangka ko siyang lapitan pero noong ako'y papalapit na at magsasalita na bigla na lang nagalarm ang cellphone ko. naalala kung may pasok pa ako. Hanggang sa ako'y naligo ramdam ko pa rin ang takot tuwing maalala ko ang kanyang mukha. paulit ulit itong angyari sa aking panaginip. naisip kung tanungin ang kanyang panagalan at kung bakit sya nagpapakita sa aking panaginip. pero hindi na ako nabigyan ng pagkakataon para malaman iyon. dahil hindi na ulit sya nagpakita sa aking panaginip. pagkatapos ng pangyayaring iyon naisipan kung dumalaw sa simbahan at ipagdasal kung sino man iyong nagpapakita sa akin.
Manakot daw ba? Haha :)
TumugonBurahin